Kahalagahan Ng Paglilinis
Gaano nga ba kahalaga ang paglilinis ng ating bahay ?? kinakailangan ba talaga nating maglinis ??
Para sakin mahalaga ang paglilinis ng bahay upang maiwasan ang pagkakasakit ng bawat membro ng ating pamilya. Dapat araw araw nating linisan ang ating bahay. Dapat nasa wastong lalagyan ang bawat gamit na nasa ating tahanan. Ang kalinisan ay nangangahulugan ng iba’t ibang bagay sa iba’t ibang tao. Halimbawa, kapag sinasabi ng isang ina sa kaniyang maliit na anak na maghugas ito ng kaniyang mga kamay at mukha, maaaring isipin ng anak na sapat na ang basta basain ng tubig sa gripo ang dulo ng kaniyang mga daliri at labi. Ngunit mas marunong ang Ina. Ibinalik niya ang kaniyang anak sa gripo at sinabong mabuti ang mga kamay at mukha ng anak at saka binanlawan ng tubig—Ang totoo, hindi pare-pareho ang mga pamantayan sa kalinisan sa buong daigdig, at ang mga tao ay lumaki na may iba’t ibang konsepto sa kalinisan. Noong nakalipas na mga panahon, ang isang malinis at masinop na kapaligiran ng paaralan sa maraming bansa ang tumulong sa mga estudyante na magkaroon ng mabubuting kinaugalian sa kalinisan. Sa ngayon, ang ilang bakuran ng paaralan ay punung-punô ng kalat at mga sukal anupat parang basurahan ang mga ito sa halip na isang lugar para maglaro at mag-ehersisyo. At kumusta naman ang mga silid-aralan? Si Darren, isang diyanitor ng isang haiskul sa Australia, ay nagsabi: “Ngayon ay makikita na rin natin ang basura sa loob ng silid-aralan.” Itinuturing ng ilang estudyante ang tagubilin na “Pulutin ito” o “Linisin ito” na nangangahulugang sila’y pinarurusahan. Ang problema ay na talagang ginagamit ng ilang guro ang paglilinis bilang paraan ng pagpaparusa.
Sa kabilang panig, ang mga adulto ay hindi laging mabubuting halimbawa sa kalinisan, sa pang-araw-araw na pamumuhay man o sa daigdig ng negosyo. Halimbawa, maraming pampublikong lugar ang pinababayaang marumi at pangit tingnan. Dinudumhan ng ilang industriya ang kapaligiran. Gayunman, ang polusyon ay kagagawan, hindi ng walang-buhay na mga industriya at mga negosyo, kundi ng mga tao. Bagaman ang kasakiman ang malamang na pangunahing dahilan ng pambuong-daigdig na problema sa polusyon at sa maraming masasamang epekto nito, bahagi ng problema ay bunga ng maruruming personal na kinaugalian. Sinuportahan ng isang dating direktor-heneral ng Commonwealth of Australia ang konklusyong ito nang sabihin niya: “Ang lahat ng mga isyu hinggil sa kalusugang pambayan ay nauuwi sa pagsasaalang-alang sa kalinisan ng bawat indibiduwal.”
Gayunman, nadarama ng ilan na ang kalinisan ay isang personal na bagay at hindi dapat ikabahala ng iba pa. Totoo nga ba ito?
Napakahalaga ng kalinisan pagdating sa ating pagkain—binibili man natin ito sa pamilihan, kinakain ito sa isang restawran, o kumakain man tayo sa bahay ng isang kaibigan. Ang isang mataas na pamantayan sa kalinisan ay inaasahan sa mga humahawak o naghahain ng ating pagkain. Ang maruruming kamay—nila o natin—ay maaaring maging sanhi ng maraming sakit. Kumusta naman ang mga ospital—higit kaysa sa iba pang dako, ang lugar na inaasahan nating makikita ang kalinisan? Iniulat ng The New England Journal of Medicine na ang di-nahugasang kamay ng mga doktor at nars ay makatutulong na ipaliwanag kung bakit ang mga pasyente sa ospital ay nagkakaroon ng mga impeksiyon na pinagkakagastusan ng hanggang sampung bilyong dolyar bawat taon upang gamutin. Angkop lamang na asahan nating walang sinuman ang magsasapanganib ng ating kalusugan dahil sa kaniyang maruruming kinaugalian.atinding pagtutol nito!
kaya dapat tayo mismo ay marunong maglinis ng bahay , para sa ikabubuti nating lahat :)