Saturday, November 5, 2016
Mahalaga ang 5S's sa pag-iwas sa sakit..
Ang paglilinis ay mahalaga lalo na't ito ay nakakatulong sa'tin sa pag-iwas sa sakit na dulot nang maruming kapaligiran. Sa bawat bahay na'tin ay maraming pwedeng pagmulan nang sakit pag hindi tayo nag-iingat, pag marumi ang bahay pwede itong pamahayan nang iba't-ibang klase nang mga sakit. Dapat ugaliin natin na maglinis para maiwasan natin ang mga sakit na'yan at para mabuhay tayo nang matiwasay at mapayapa na hindi sakitin para iwas gastos narin. Pwede natin gamitin ang 5S, SURIIN (sort), SALANSANIN (segregate), SIMUTIN (sanitize), SIGURUHIN (standardize), SARILING KUSA (self-discipline) ang limang "S" na ito ay mahalaga at madali lang gamitin at ituro sa mga bata para kahit maliliit palang sila ay marunong na silang maglinis at sa paglaki nila ay madadala nila ito at pwede rin nila itong ituro sa magiging anak nila sa hinaharap. May kasabihan nga na "sa bahay nagsisimula ang kaalaman" kaya kahit bata palang sila ay ituro na sa kanila kung paano ang tamang paglilinis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment